Seven commandments laban sa COVID-19, dapat sundin – DTI

84

Nanawagan ang Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko na sundin ang “seven commandments” para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa Laging Handa public briefing, naniniwala si Trade Secretary Ramon Lopez, na maaaring ibababa ang quarantine measures kung disiplinado lamang ang lahat ng tao.

Bukod dito, kabilang din sa pitong kautusan ay ang sumusunod:

–              Pagsusuot ng face masks at face shields

–              Bawal magsalita o Kumain sa mga pampublikong lugar lalo na sa public transport

–              Maayos na ventilation

–              Madalas na pagdi-disinfect




–              Walang symptomatic na pasahero

–              Physical distancing

Ang Metro Manila, Bulacan, Batangas at Tacloban City ay nananatili sa General Community Quarantine (GCQ).

Ang Iloilo City, Bacolod City at Lanao del Sur ay nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa maluwag na Modified GCQ.

Facebook Comments