Pagpapalawig ng number coding scheme sa EDSA, hindi pa napapanahon – MMDA

Hindi pa napapanahon sa ngayon ang pagpapatupad ng pinalawig na number coding scheme sa EDSA.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Director Neomie Recio, manageable pa naman ang dami ng mga sasakyan ngayon sa Metro Manila at hindi pa naaabot ang pre-pandemic na bilang ng bumabiyahe na nasa higit 400,000 kada-araw.

Kung tutuusin aniya ay bumaba pa nga ang bilang ng mga bumabiyahe sa NCR simula nang tumaas ang presyo ng produktong petrolyo.


Sa kasalukuyang datos, ay nasa 377,000 ang mga bumabiyahe mula sa 396,000 kada-araw.

Dagdag pa ni Recio na batayan din ng MMDA ang oras at bilis ng pagbiyahe para masabing mabigat na ang daloy ng trapiko sa National Capital Region (NCR).

Sa kabila nito ay tiniyak naman ng MMDA na pinaghahandaan pa rin ng ahensya ang paglala ng daloy ng trapiko sa pagpasok ng new normal sa bansa.

Facebook Comments