Pagpapalawig ng oras ng pagboto para sa eleksyon sa 2022, posible ayon sa COMELEC

Posibleng mapalawig pa ng dalawa hanggang tatlong oras ang oras ng pagboto para sa eleksyon sa 2022.

Sa isang forum na may temang Ensuring Safe, Fair and Free 2022 Elections sinabi ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Antonio Kho Jr., na ito ay upang matiyak na makakaboto ang lahat sa gitna ng pandemyang nararanasan ng bansa.

Kung sa kadalasan kasing walong oras na dapat itatagal ng panahon ng pagboto, maaari pa itong umabot sa 10 hanggang 12 oras depende sa kakayahan ng mga guro.


Kung sa ekstensiyon naman ng araw ng pagboto, sinabi ni Kho na imposible ang higit na isang araw na ekstensyon dahil makukwestyon ang legalidad ng botohan.

Sa ngayon batay sa huling tala, aabot na sa 61 milyon na ang rehistradong botante para sa 2022 elections.

Facebook Comments