Pagpapalawig ng pagpapatupad ng blended learning, isinusulong ng DepEd

Isinusulong na ng Department of Education (DepEd) ang pagpapalawig sa pagpapatupad ng blended learning kahit natapos na ang pandemya dahil sa COVID-19.

Ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, sa ilalim ng mungkahi, mananatili ang online classes sa ilang pag-aaral kung saan mas matututukan ng mga guro ang mag-aaral.

Mas inaasahang magiging kaunti kasi ang bilang ng mga mag-aaral dahil sa epekto ng pandemya.


Sa kasalukuyan, mayroon nang 27 milyong estudyante ang nasa ‘distance learning’ system sa pamamagitan ng module at online.

Una nang kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng pilot testing ng face-to-face classes dahil sa banta ng COVID variants.

Facebook Comments