Pagpapalawig ng pamamahagi ng SAP, pinag-aaralan na ni Chief Implementer Sec. Carlito Galvez Jr.

Pag-aaralan ni National Action Plan (NAP) Against COVID-19 Chief Implementer Sec. Carlito Galvez Jr. ang pamamahagi ng Social Amelioration Package (SAP) para maresolba ang gulong nangyayari sa ilang barangay.

Ayon kay Galvez, inatasan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aralang mabuti ang package lalo’t 100 bilyong pisong pondo para dito ay para lang sa mga poorest of the poor.

Pero umapela, aniya, ang mga nasa middle class na humirit na isama sila sa nasabing pondo at mabigyan din ng cash assistance.


Kasabay nito, pinayuhan ni Cabinet Sec. Karlo Alexei Nograles ang gobyerno na huwag tanggapin ang photocopy ng social amelioration cards para sa dalawang buwang coronavirus emergency subsidy program.

Hindi kasi, aniya, kikilalanin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga card na pina-photocopy.

Facebook Comments