Pagpapalawig ng shelf life ng AstraZeneca COVID vaccines, aprubado na ng FDA

Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagpapalawig o extension ng shelf life ng AstraZeneca vaccines na malapit ng ma-expire.

Ayon kay FDA Director Oscar Gutierrez, nasa apat na batch ng AstraZeneca ang pinakahuling naaprubahan ng FDA para sa extension ng shelf life kung kaya’t pwede pang gamitin ang mga bakunang ito hanggang sa susunod na tatlong buwan.

Nauna nang sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na pumayag ang AstraZeneca na i-extend ng tatlong buwan ang shelf life ng mga COVID-19 vaccine nito.


Samantala, tiniyak naman ni Gutierrez na nananatiling mabisa ang mga bakunang ito dahil pareho pa rin ang safety, efficacy, at quality profile ng mga COVID vaccines na pinalawig ang shelf life.

Facebook Comments