Pagpapalawig ng voter registration hanggang sa katapusan ng Oktubre, ikinatuwa ng Senado

Ikinatuwa ng senado ang nakatakdang pagpapalawig ng Commission on Elections (Comelec) ng voter registration hanggang sa katapusan ng Oktubre.

Ayon kay Senator Imee Marcos na siyang Chairman ng Senate Electoral Reforms Committee dahil sa pagpapalawig ay maiibsan na ang mahahabang pila ng mga nagpaparehistro.

Sinabi naman ni Marcos na kung mapapalawig ang voter registration ay mababalewala na ang inaprubahan nilang panukalang-batas para dito.


Samantala, hiniling ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa Comelec na pagbigyan ang kanilang kahilingan na lagyan ng QR code ang mga election returns.

Ito ay para makagawa ng NAMFREL ng isang parallel vote na gagawin din ng political party at ng taong-bayan.

Sa ngayon, target din ng grupo na magkaroon ng 105,000 volunteers na tutulong sa pagbabantay sa election 2022.

Facebook Comments