Manila, Philippines – Pinagtibay na sa Kamara sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas na layong palawigin pa ang basic immunization program ng bansa.
Sa House Bill 9068, inaamyendahan nito ang Republic Act 10152 o ang Mandatory Infants and Children Immunization Act of 2011.
Sa ilalim ng panukala, palalawigin ang mga listahan ng mga sakit na masasakop n national immunization program.
Isasama na sa listahan ang mga bakuna para sa rotavirus, Japanese encephalitis, pneumococcal conjugate, at ang human papilloma virus.
Pupuwede ring maisama ang iba pang bakuna kung kinakailangan at sa rekomendasyon ng Department of Health.
Ang pagtitibay sa panukala ay sa harap na rin ng pagdideklara ng measles outbreak sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, gayundin sa Western at Eastern Visayas.