Pagpapalawig sa ECQ status sa NCR, maaga pa para pag-usapan ayon kina VP Robredo at QC Mayor Belmonte

Naniniwala sina Vice President Leni Robredo at Quezon City Mayor Joy Belmonte na masiyadong maaga pa para pag-usapan ang pagpapalawig ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) status sa Metro Manila.

Giit nina Robredo at Belmonte, dapat aniya na nakabatay sa COVID-19 data ang ilalabas na desisyon.

Ani Robredo, mahirap magdesisyon sa harap umano ng mga inaccurate data.


Habang nanatili umanong mataas ang COVID-19 positivity rate habang hindi naman umano lahat ay sumasailalim sa COVID testing.

Sa kaniyang panig, sinabi ni Belmonte na dapat munang antayin ang kalagitnaan ng implementasyon ng ikatlong ECQ at saka sila maibigay ng rekomendasyon.

Facebook Comments