Pagpapalawig sa libreng sakay sa MRT-3, sinisilip ng DOTr

Pinag-aaralan ng Department of Transportation (DOTr) ang posibilidad na muling pagpapalawig ng libreng sakay sa Metro Rail Transit (MRT) Line 3, na magtatapos na sa Mayo 30.

Ayon kay DOTr Undersecretary Timothy Batan, inaaral na nila ang posibilidad na pagpapalawig sa libeng sakay program at pinayuhan ang mga commuter ng MRT-3 na mag-abang ng anunsiyo.

Nauna nang ipinatupad ang libreng sakay sa MRT-3 noong March 28, 2022 hanggang April 30, 2022 at pinalawig ito hanggang May 30,2022.


Layon ng programa na mabawasan ang sakripisyo ng publiko sa epekto ng mataas na presyo ng produktong petrolyo at bilang selebrasyon na rin sa nakumpletong rehabilitasyon ng MRT-3.

Facebook Comments