Pangulong Duterte, nais dumalo sa international climate change forum bago matapos ang kaniyang termino

148

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinaka-nagdurusa ang mga mahihirap na bansa dahil sa epekto ng climate change.

Sa kaniyang Talk to the People kagabi, sinabi ng pangulo na hindi dapat pakinggan lamang kundi kinakailangan ding umaksyon ang mga mayayamang bansa para pigilan ang problemang ito.

Ayon sa pangulo, wala ring nangyayari kung patuloy lamang na magbibigay ng maliliit na halaga ng pera ang mga mayayamang bansa bilang ayuda sa mga sinalanta ng mga kalamidad.


Samantala, nakahandang dumalo ang pangulo sakaling magkaroon pa ng international climate change forum bago matapos ang kaniyang termino.

Facebook Comments