Pagpapalawig sa Martial Law sa Mindanao, pinagtibay ng SC

Manila, Philippines – Kinatigan ng Korte Suprema ang ikatlong pagpapalawig sa martial law sa Mindanao.

Siyam na mga mahistrado ang bumoto pabor sa Martial Law extension habang apat lamang ang kumontra.

Kabilang sa mga kumontra sa pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao sina Justices Antonio Carpio, Marvic Leonen, Francis Jardeleza at Alfredo Benjamin Caguioa.


Una nang naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang mga militante at opposition congressmen, gayundin ang human rights advocates kontra sa ikatlong extension ng Martial Law sa nasabing rehiyon hanggang December 31 ng taong ito.

Facebook Comments