Pagpapalawig sa “no disconnection” policy para sa singil ng kuryente, hindi pa tiyak ayon sa Meralco

Nakadepende pa kung palalawigin o hindi ang no disconnection policy ng Meralco pagkatapos ng Mayo 14.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga na bagama’t pagkatapos pa sila ng mayo 14 magpuputol ay hinikayat nito ang publiko na i-settle na agad ang kanilang mga utang.

Kasunod nito, wala na rin aniya silang general policy pagdating naman sa pagpayag na bayaran nang pautay-utay o hulugan ang electric bill.


Sakop ng no disconnection period ang mga lugar na nasa ilalim ng NCR plus bubble dahil sa umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine.

Facebook Comments