Pagpapalawig sa paggamit ng local disaster management fund, isinusulong sa Senado

Inirekomenda ni Senator Sherwin Gatchalian na palawigin ang paggamit sa pondo ng mga LGU sa kanilang local disaster management fund.

Sa Senate Bill 939 na inihain ni Gatchalian ay pinapalawig ang paggamit sa Local Disaster Risk and Reduction Management (LDRRM) Fund nang sa gayon ay mapaigting ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan para sa mabilis na pagresponde sa kalamidad at ibang emergency.

Inaamyendahan ng panukala ang Philippine Disaster Risk and Reduction Management Act of 2010 (Republic Act No. 10121) na layong madagdagan ang mga maaaring paglaanan ng LGU ng LDRRM fund.


Dito ay maaaring gamitin ang pondo para sa mga proyektong pang-imprastraktura na tutugon sa epekto ng mga kalamidad at sakuna.

Giit ni Gatchalian na dahil madalas ang pagtama ng kalamidad sa bansa at mas malapit agad sa mga constituent ang lokal na pamahalaan ay kailangang patatagin ang kakayahan ng mga LGU na agad rumesponde sa mga kalamidad.

Facebook Comments