Para kay Senator Grace Poe, ang 25-taong extension sa prangkisa ng mga broadcast at telecommunciation companies ay magsisilbing lakas upang magampanan nila ng mas mahusay ang kanilang mandato na maging tulay ng komunikasyon at tumulong sa mga komunidad.
Pahayag ito ni Poe, makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrido Duterte ang mga naipasang panukala ng Kongreso na nagpapalawig sa prangkisa ng 6 telecommucations at broadcasting companies.
Diin ni Poe, napapanahon ang extension sa prangkisa ng mga broadcasting corporations lalo pa’t nangangailangan ngayon ang mga Pilipino ng mapagkukunan ng mapagkakatiwalaang impormasyon sa panahon ng pandemya at eleksyon.
Inaasahan naman ni Poe na sa pagpapalawig sa prangkisa ng mga telco ay mapapasigla ang merkado sa gitna ng mas maraming kompetisyon, na inaasahan magbubunga ng mas maigi, mura at abot na serbisyo.
Tiwala din si Poe na magbigay-daan ito sa mas maraming trabaho sa lokalidad ayon sa itinatakda ng probisyon ng iginawad na prangkisa.
Bilang sponsor ng mga franchise measures ay umasaa si Poe na magiging mahalagang kabahagi ang telco at broadcast companies sa pagtulong sa ating mga kababayan upang makabangon muli.