COMELEC, pinawi ang pangamba ng publiko sa pag-host ng DICT sa kanilang online services

104

Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na walang dapat ikabahala ang publiko kahit na ang Department of Information and Communications (DICT) ang host ng kanilang online services.

Ayon kay COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan, mananatili parin namang naka-encrypt ang personal data at information ng registered voters.

Una nang lumagda sa isang Memorandum of Agreement ang Commission on Elections (COMELEC) at Department of Information and Communications Technology (DICT).


Sa ilalim ng nasabing kasunduan, ang DICT ang tutulong sa COMELEC para sa iba’t ibang online services gaya ng precint finder, registration verification, 2022 election results website at online voter certification application.

Ang DICT rin ang mapoprovide ng digital signature para sa miyembro ng board of election inspectors at board of canvassers.

Ayon sa, COMELEC ito ang kauna-unahang halalan na gagamit ng digital signature.



Facebook Comments