PAGPAPALAWIG SA PROVISIONAL AUTHORITY NG MGA TRADITIONAL JEEPNEY SA PANGASINAN, IPINANAWAGAN NG AUTOPRO PANGASINAN SA LTFRB

Pagpapalawig sa provisional authority ng mga traditional jeepney sa Pangasinan ang tanging panawagan ngayon ng Alliance United Transport Organization Provincewide (AUTOPRO) Pangasinan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sa isang panayam, sinabi ni Bernard Tuliao, ang Presidente ng AUTOPRO Pangasinan, na napakalaki umano ang epekto sa pagkakaroon ng local public transport route plan (LPTRP) para sa mga drivers ng naturang pampublikong sasakyan kung ipapatupad na ang full modernization sa Pangasinan.
Isa umano sa nakikita nilang problema ngayon ang pagbili ng ipapalit sa sasakyang jeep na kanilang gagamitin sa pampasada.

Sinabi din ng opisyal na may kasalanan ang public transport ng lalawigan kung saan kanila lamang hinayaan ang isyu ukol at hindi umano isinangguni sa Sangguniang Panlalawigan.
Sakaling maipatupad ito, marami ngayon ang maaapektuhan lalo na sa mga gumagamit ng tradisyunal na sasakyan. |ifmnews
Facebook Comments