Sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay muling iginiit ni Senator Risa Hontiveros ang matagal na niyang panawagan sa pamahalaan na mas palawakin pa ang Service Contracting Program.
Sa Service Contracting ay gobyerno ang magbabayad ng dagdag sa mga tsuper at operator kapag hindi sumasapat ang approved fare ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Diin ni Hontiveros, malaking tulong ito sa mga drivers at operators ng pampublikong transportation dahil bayad sila mayroon man o walang pasahero.
Ayon kay Hontiveros, ito ay relief para sa tsuper at pasahero na dapat gagawin ng tama para lahat ng ruta ay naseserbisyuhan nang sapat at sa oras na kailangan ang mga sasakyan, ay walang siksikan at risonable, abot-kaya ang magiging pasahe.