Pagpapalawig sa state of public health emergency, suportado ng liderato ng Kamara

Buo ang suporta ng liderato ng Kamara sa pasya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na palawigin ang state of public health emergency.

Ayon kay House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, nagpapasalamat sila sa naturang hakbang ni President Marcos Jr., at sila naman ay handang magpasa ng kailangang mga panukalang batas.

Pagtiyak ni Dalipe, pangunahin nila itong ikokonsidera sa pagtalakay ng panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.


Binigyang-diin ni Dalipe na bagama’t bumababa na ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa ay may bagong variants namang lumilitaw kaya kailangang umaksyon para maprotektahan ang kalusugan ng mamamayan.

Ang state of national health emergency ay idineklara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Proclamation 922 bilang tugon sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments