Tanggapan ng LTFRB Central Office, mananatiling bukas hanggang Linggo upang tumanggap ng aplikasyon ng Special Permit sa mga binuksang ruta

42

Mananatiling bukas ang tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ngayong araw, hanggang Linggo, Agosto 22 2022, para tumanggap ng mga application ng Special Permit (SP) para sa mga rutang binuksan ngayong pasukan.

Bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Lunes, inilabas ng LTFRB ang Memorandum Circular kung saan binuksan ang 33 na ruta ng Public Utility Bus (PUB), 68 na ruta ng Public Utility Jeepney (PUJ), at 32 ruta ng UV Express (UVE).

Para makabiyahe ang mga Public Utility Vehicle (PUV) driver at operator sa mga naturang ruta, kasama sa requirement ang pagkuha ng SP kung may existing at valid na Certificate of Public Convenience (CPC) ang operator.


Para sa karagdagang impormasyon o mga katanungan, maaaring tumawag sa LTFRB 24/7 Hotline: 1342 o mag-send lang ng message sa LTFRB official Facebook page o magtungo sa official website ng LTFRB.

Facebook Comments