Pagpapalawig sa suspensyon sa pagbuwag sa VFA ng Pilipinas at Amerika, suportado ng Defense Department

Patuloy na bubusisiin ng Department of National Defense (DND) ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika sa loob ng anim na buwan.

Ito ang inihayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana matapos ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa sa susunod na anim na buwan ang suspensyon ng VFA.

Ayon sa kalihim, naka-angkla ang bilateral cooperation ng Pilipinas at Amerika sa national interest at makatutulong sa pagpapatibay sa defense capability ng bansa.


Kaya naman gagawin aniya nila ang lahat para maplantsa ang mga gusot na makatutulong sa pagpapasya ng Pangulo kaugnay sa suspensyon ng VFA.

Facebook Comments