Aprubado na sa ikalawang pagbasa ang House Bill 9538 na layong palawigin pa ang validity o bisa ng paggamit ng pondo ng Bayanihan 2 o Bayanihan to Recover as One Act na mapapaso na sa June 30, 2021.
Sa ilalim ng panukala ay inaamyendahan ang Republic Act 11519 kung saan pinapalawig hanggang December 31, 2021 ang release, obligation at disbursement ng pondo sa ilalim ng Republic Act 11494 o Bayanihan 2 Law.
Nauna nang sinabi ng Department of Budget and Management o DBM na as of April 2021, mula sa P165.5 billion Bayanihan 2 ay aabot sa 51% ang obligation rate habang 70.34% ang disbursement o nailabas ng pondo.
Pabor naman ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, gaya ng Department of Health (DOH), Department of Transportation (DOT) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na palawigin pa ang Bayanihan 2, upang magamit ang “unspent funds” at matapos ang kani-kanilang mga programa.