Pagpapalaya kay Lance Corporal Joseph Pemberton, hindi muna ipo-proseso ng BuCor

Hindi na muna ipo-proseso ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagpapalabas kay Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque sa binasa niyang text message ni BuCor Dir. Gen. Gerald Bantag.

Ayon kay Bantag, ang payo sa kaniya ng Department of Justice (DOJ) dahil na rin sa may nakabinbin pang motion for reconsideration ang kampo ni Jennifer Laude ay hintayin muna maresolba ito.


Ayon pa kay Roque, nagkausap sila kanina ni Justice Secretary Menardo Guevarra at sinabi nito na labag ang ginawa ng korte ng Olongapo City sa rekomendasyon ng Bureau of Corrections.

Ayon kay Roque, sa nangyaring ito na ang huwes ang nagdesisyon para sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) para kay Pemberton ay isang judicial overbreach.

Dahil dito, sinabi ni Roque na kailangan munang pagbigyan ng korte na mapakinggan ang motion for reconsideration ng pamahalaan sa pamamagitan ng piskalya.

Facebook Comments