Pagpapalaya Kay Murder Convict Na Si Rolito Go, Ipinag-Utos Ng Korte Suprema

5

MANILA – Ipinag-utos na ng Supreme Court ang pagpapalaya sa murder convict na si Rolito Go na nasangkot sa road rage incident noong 1991 kung saan napatay nito si Eldon Maguan.Sa utos ng Korte Suprema na may petsang November 28, 2016 at pirmado ni Wilfredo Lapitan, ang division clerk of court, ipinag-utos nito sa director ng Bureau of Corrections (BuCor) na palayain na si Go maliban na lamang kung nakakulong ito dahil sa iba pang kaso.Napag-alamang natapos na ni Go ang kanyang 30 taong pagkakakulong noong Agosto 21, 2013.Si Go ay nakulong noong April 30, 1996 dahil sa kasong murder matapos mapatay si Maguan sa Wilson Street sa Greenhills, San Juan.Noong 1993, lumabas sa desisyon ng San Juan City RTC na gulity si Go sa kasong murder at sinentensyahan ng 40 taong pagkakakulong.Naibaba ang kanyang sentensya sa 30 taon base na rin sa BuCor manual kung saan nabigyan ito ng automatic commutation.

Facebook Comments