Pagpapalaya kay Sen. Leila de Lima, hiniling ng oposisyon sa Kamara

Hiniling ng oposisyon sa Kamara na palayain na si Senator Leila de Lima.

Ito’y makaraang bawiin ng self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa ang mga naunang testimonya nito sa isinagawang imbestigasyon noon sa Senado kaugnay sa pagkakadawit ng senadora sa iligal na droga.

Giit ng Minorya na dahil sa pagbawi sa mga naunang testimonya ni Espinosa ay sapat na ito para palayain sa kanyang detensyon ang senadora.


Malinaw umano na ang pagpapakulong kay De Lima ay batay lamang sa mga gawa-gawang kaso, pagganti at panggigipit dahil sa noo’y pagsisiyasat nito sa tinaguriang Davao Death Squad at drug war killings ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Punto pa ng oposisyon, higit limang taon na ikinulong ang senadora sa hindi makatwirang kadahilanan at panahon na para ito ay palayain.

Umapela pa ang Minority na itigil na ang political persecution sa mga kritiko ng administrasyon.

Facebook Comments