Ipinag-utos ng Korte Suprema ang pagpapalaya sa dalawang indibidwal na hinahatulang guilty dahil sa kaso ng droga.
Hinatulan ang mga ito noong 2014 dahil sa kasong may kinalaman sa 119 kilos na shabu noong 2003.
Sa 35 pahinang desisyon ng Supreme Court inatasan ng Bureau of Correction (BuCor) na palayain sina Robert Uy at Willie Gan.
Ito ay matapos baliktarin ng SC ang desisyon ng Court of Appeals (CA) dahil sa umano’y kapalkan ng mga umarestong pulis, failed prosecution, at pagkukulang ng mababang korte sa pagbaba ng hatol.
Dahil dito, pinagsabihan ng Korte Suprema ang law enforcement agent at prosekusyon na maging maingat at huwag maging ignorante sa pagsunod sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Noong 2003, naaresto sina Uy at Gan kasama ang apat na Chinese nationals na umano’y miyembro ng drug syndicate.