Pagpapalaya sa mga PDL na edad 70 pataas, pinag-aaralan ng DOJ

Pinag-aaralan ng Department of Justice (DOJ) ang pagbibigay ng executive clemency o mapalaya ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na nasa edad 70 pataas na nahatulan sa karumal-dumal na krimen.

Ito ang inihayag ni Justice Undersecretary Jesse Hermogenes Andres hinggil sa tradisyunal na pagpapalaya ng mga PDL tuwing Kapaskuhan.

Batay sa Board of Pardons and Parole (BPP) ang mga 70 anyos pataas, may sakit at mga nakapagsilbi na ng kanilang sentensya ng 10 taon kahit nahatulan sa heinous crime at itinuturing na “high risk” ay kwalipikado na para sa executive clemency.


Ayon kay Andres, dalawang PDL na ang nakinabang sa naturang resolusyon na kinilalang sina Roberto Salvador, 78 yrs. old at Gerardo Dela Pena, 84 yrs. old.

Matatandaan na sa dating requirement hindi binibigyan ng executive clemency ang mga nahatulan ng heinous crimes kahit nasa edad na 70 pataas na ang mga ito.

Facebook Comments