Pagpapalaya sa mga suspek sa pagpatay sa vice mayor ng Batuan, Masbate, wala na daw sa hurisdiksyon ng MPD

Inihayag ng Manila Police District na wala na sa kanilang kontrol o hurisdiksyon ang naging desisyon ng korte na palayain ang apat na suspek sa pagpatay kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III.

 

Nabatid na ipinag-utos ni Manila Deputy Prosecutor Joselito Obejas ang release para maimbestigahan pa umano ang kaso ng mga suspek.

 

Sa naging pahayag ni MPD Director Brig. Gen. Vicente Danao Jr., gustuhin man nilang palakasin pa ang kaso laban sa mga suspek na sina Bradford Solis, Juanito de Luna,  Junel Gomez at Rigor Dela Cruz ay kinakailangan nilang sundin ang desisyon ng korte.


 

Matatandaan na positibong itinuro ng mga saksi ang mga suspek at matibay din ang ebidensiya laban sa mga ito pero iniutos pa din ni Deputy Prosecutor Obejas na palayain ang mga ito para sa kaukulang imbestigasyon.

 

Ang mga pinalayang suspek ay nahaharap sa kasong murder at two counts ng frustrated murder na inihain ng pulisya.

Facebook Comments