MANILA – Pinaninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala ng tropa ng mga Amerikano na mananatili sa bansa sa pagtapos ng kanyang termino.Kaugnay ito sa pahayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na tuloy ang balikatan exercises at Enhanced Defense Cooperation Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.Sa press conference sa kanyang pagdating sa Davao International Airport kaninang madaling araw matapos ang pagbisita sa Malaysia at Thailand – sinabi ni Duterte na nagbigay siya ng “go signal” sa susunod na joint military exercise dahil na-plantsya na ito.Pero, pagtitiyak ng Pangulo – last na baliktan na ito at ayaw na niyang makakakita ng anumang dayuhang sundalo sa bansa.Giit ng Pangulo, hindi na kailangan ng tropa ng pamahalaan ang pagsasanay na kasama ang mga dayuhang sundalo dahil ang mas kailangan niyang bigyan ng pansin ay ang terorismo at problema sa illegal drugs sa bansa.
Pagpapalayas Sa Mga Dayuhang Sundalo Sa Bansa – Pinanindigan Ni Pangulong Duterte Sa Kabila Ng Pagbibigay Ng Go Signal S
Facebook Comments