Iginiit ng isang election lawyer na walang basehan ang pagpapaliban ng 2022 national and local elections dahil sa banta ng COVID-19.
Ito ang inihayag ni election lawyer Atty. George Garcia sa interview ng RMN Manila kaugnay sa petisyong iurong sa 2025 ang halalan dahil sa banta ng Omicron variant.
Ayon kay Garcia, base sa Section 5 ng Omnibus Election Code, mabibigyan ng kapangyarihan ang COMELEC na suspendihin ang halalan kapag may banta ng karahasan, terorismo, pagkasira ng election paraphernalia at iba pang kahalintulad na dahilan.
Ngunit nilinaw ni Garcia na maaaring iurong ng Kongreso ang petsa ng halalan basta hindi dapat lalagpas ng Hunyo 30.
Facebook Comments