Pagpapaliban ng barangay elections, nakadepende na sa susunod na administrasyon – DILG

Dumistansya ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa panukalang ipagpaliban muli ang barangay elections sa Disyembre 2022.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, nasa kamay na ng susunod na administrasyon kung pagtitibayin ang panukalang ipagpaliban ito.

Pero kung susundin aniya ang batas, dapat itong matuloy sa Disyembre.


Nauna nang sinabi House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez na P8.141 bilyon ang makakatipid ng gobyerno kung ipagpapaliban ang barangay elections.

Malaking tulong aniya ito para matugunan ang mga problemang kinahaharap ng bansa gaya ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments