Welcome para sa OCTA Research Group ang pagpapaliban ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang buong bansa.
Ayon kay Dr. Butch Ong ng OCTA Research Group, napapanahon ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo’t nakitaan nila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 nitong weekend kumpara nitong Enero.
Aniya, ang reproduction rate ng COVID-19 sa bansa ay 1.22 sa loob ng dalawang linggo na ibig sabihin, hindi tumataas o hindi bumaba.
Una nang tinutulan ng OCTA Research Group ang rekomendasyong isailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang buong bansa hangga’t walang COVID-19 vaccine.
Facebook Comments