Manila, Philippines – Tiniyak ng Mababang Kapulungan sa Commission on Election na maipapasa ang panukalang nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan (Sk) elections.
Ayon kay CIBAC PL Rep. Sherwin Tugna, Chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reform, mayroon pang panahon at maari silang magpasa ng panukala kung mapagdesisyunan ng liderato ng kamara sa muling pagbubukas ng sesyon sa Hulyo 24.
Pinase-certify ni Surigao del Norte Rep. Robert “Ace” Barbers kay Pangulong Duterte ang panukala para sa pagpapaliban ng Barangay at SK election upang agad na maipasa ito ng Kongreso.
Ang reaksyon ng mga kongresista ay kaugnay sa pahayag ni Comelec Chairman Andres Bautista na dapat ng magdesisyon ang Kongreso kung ipagpapaliban ang nasabing halalan dahil magsisimula na silang mag imprenta ng balota sa Hulyo 20.
Matatandaan na ipinagpaliban na noong Oktubre ng nakaraang taon ang Barangay at SK elections at muling itinakda sa Oktubre ngayong taon.