Manila, Philippines – Binanatan ng ilang kongresista si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa muling pagpapaliban nito sa barangay election at sa halip ay magtatalaga na lamang ng mga opisyal ng barangay.
Giit ni Akbayan Rep. Tom Villarin, umiiral nanaman ang pagiging diktador ni Duterte.
Hinala ni Villarin, may mas malalim na dahilan ang planong ito ng Pangulo at hindi lang dahil sa pagkakasangkot sa iligal ng droga ng mga barangay official.
Iginiit ni Villarin na kung talagang may ginagawang kalokohan ang mga opisyal ng barangay, dapat ipaubaya sa mga tao ang pagpapatalsik sa kanila sa pamamagitan ng balota.
Nagbabala ito na kung bibigyan ng kapangyarihan ang Presidente na magtalaga ng barangay officials ay papunta na ito sa diktadurya.
Facebook Comments