Iminungkahi ni Senator Francis Tolentino na ipagpaliban ang August 24 na pagbubukas ng klase na itinakda ng Department of Education (DepEd).
Suhestiyon ito ni Tolentino makaraang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11480 na nagpapahintulot na i-adjust ang school calendar kapag may State of Emergency o State of Calamity.
Paliwanag ni Tolentino, ang pag-atras sa class opening ay magbibigay ng sapat na panahon para makumpleto ng DepEd ang preparasyon.
Pangunahin dito ang pagbalangkas ng online learning programs at iba pang non-face-to-face learning systems ngayong may pandemya.
Giit ni Tolentino, daan din ito para makapaglatag ang gobyerno at mga paaralan ng epektibong hakbang na magbibigay proteksyon sa mga mag-aaral laban sa patuloy na pagkalat ng COVID-19.