Pagpapaliban sa paniningil ng dagdag kontribusyon, pinag-aaralan ng Pag-IBIG Fund

Pinag-aaralan na ng Pag-IBIG Fund na ipagpaliban muna ang paniningil ng dagdag-kontribusyon na P100 sa Enero 2021.

Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Eduardo del Rosario, ang P50 na dagdag-kontribusyon ay manggagaling sa miyembro at tatapatan ng P50 ng employer kada buwan.

Aniya, ramdam ng Pag-IBIG Fund ang hirap ng buhay ng mga miyembro dahil dumarami ang bilang ng mga nagde-default o hindi nakakabayad ng housing o multi-purpose loan.


Sa 14 milyong miyembro, 4.8 milyon ang kasalukuyang may utang sa Pag-IBIG Fund.

Samantala, simula kahapon ay itinigil muna ng Pag-IBIG Fund ang paniningil ng buwanang bayad sa mga loan alinsunod sa Bayanihan 2 Law.

Muli naman itutuloy ng ahensya ang paninigil sa Nobyembre.

Facebook Comments