Patuloy ang pagpapatala ngayon ng medical frontliners ng Philippine General Hospital (PGH) na sasailalim sa bakuna kontra COVID-19.
Kasama kasi ang PGH sa 56,000 na medical frontliners at hospital staff na unang makakatanggap ng bakuna.
Bukod pa ito sa Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium o Tala Hospital, Lung Center of the Philippines, at East Avenue Medical Center.
Una nang inihayag ni PGH Spokesman Dr. Jonas del Rosario na 72% ng PGH medical professionals at staff ang handa nang magpabakuna kontra COVID-19, habang 24% ang nag-aalinlangan pa at 4% ang tumatangging magpabakuna.
Facebook Comments