Pagpapalista sa publiko sa vaccination, mahalaga ayon sa DOH

Muling iginiit ng Department of Health (DOH) ang kahalagahan ng pagpapalista ng publiko sa kani-kanilang lugar para sa COVID-19 vaccination.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, importanteng magparehistro ang publiko sa kanilang local government units (LGUs) para mapaghandaan ang kanilang pagbabakuna.

Ang South African variant ang karaniwang COVID-19 variant sa bansa batay sa huling genome sequencing.


Kaya iginiit ni Duque, na kailangang magkaroon ng mahigpit na border control, hindi lamang sa pagpapatupad ng travel bans pero maging ang pagpapatupad ng 14-day quarantine period.

Patuloy na kumakalat ang COVID-19 variants sa buong mundo dahil bahagi ng katangian ng isang virus ay ang mag-mutate.

Pagtitiyak ng DOH na patuloy nilang binabantayan ang posibleng epekto ng COVID-19 vaccines.

Paalala ni Duque sa publiko na sundin ang guidelines sa ilalim ng bagong community quarantine classifications na inaprubahan ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments