Pagpapalit ng administrasyon sa susunod na taon, hindi makakaapekto sa COVID-19 response ng pamahalaan

Naniniwala si Testing Czar at Presidential Adviser for COVID-19 Response Secretary Vince Dizon na hindi maapektuhan ng pagpapalit ng administrasyon sa susunod na taon ang pagtugon ng bansa laban sa COVID-19.

Ayon kay Dizon, magtutuloy-tuloy lamang ang ginagawang diskarte ng pamahalaan sa paglaban ng bansa sa pandemya kahit iba na ang nakaupo sa pwesto.

Napatunayan naman kasi na naging epektibo ang mga estratehiyang ipinatutupad ng Duterte administration para makontrol ang virus.


Kabilang dito ang Prevent, Detect, Isolate, Treatment, Reintegrate o PDITR strategy.

Isama pa ang mask, hugas, iwas at ang malawakang pagbabakuna.

Kasunod nito, muling hinimok ni Dizon ang mga hindi pa bakunado na magpabakuna na at magpaturok na rin ng booster shot ang mga fully vaccinated, tatlong buwan matapos ang kanilang 2nd dose.

Facebook Comments