Pagpapalit ng pangalan ng Department of Agriculture patungong DIRT, isinusulong ng isang samahan

119

Isinusulong ng grupong Samahang Industriyang Agrikultura (SINAG) na mapalitan ang pangalan ng Department of Agriculture (DA).

Ayon sa SINAG, makikipag-ugnayan sila sa kanilang mga kaalyado sa Kongreso para mapalitan ang pangalan ng DA patungong Department of Importers, Retailers and Traders (DIRT) dahil sa pagkiling nito sa pag-angkat ng agricultural products.

Binigyang diin ng SINAG ang lumalalang import policy ng bansa para sa agricultural goods sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon kasabay ng nananatiling mataas na presyo ng mga ito.


Habang nakapagtala rin ang gobyerno ng bilyon-bilyong piso dahil sa mga tapyas sa taripa na isinisisi ang pagtaas ng presyo ng langis.

Una nang nag isyu ang Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order 133 na nagtataas sa Minimum Access Volume (MAV) ng pork imports sa 254, 210 metric tons mula sa 54,210 metric tons.

Facebook Comments