Pagpapalit sa pangalan ng NAIA, hindi dapat atupagin sa panahon ng pandemya

Walang nakikitang dahilan at problema si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa pangalang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para ito ay palitan ng Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas.

Paliwanag ni Drilon, karamihan sa mga paliparan sa ibang bansa ay nakasunod sa pangalan ng kanilang mga bayani katulad ng NAIA na nagpapakita ng pagiging mapagmahal sa demokrasya ng mga Pilipino na siyang pangunahing katangian ni dating Senator Benigno Ninoy Aquino Jr.

Diin pa ni Drilon, hindi dapat iprayoridad ang pagpapalit sa pangalan ng NAIA ngayong ilang milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho bunga ng pandemya.


Iginiit din ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan na hindi napapanahon na isulong ang pagbabago sa pangalan ng NAIA ngayong dumaranas tayo ng krisis dahil sa COVID-19.

Paliwanag ni Pangilinan, ang dapat pagtuunan ngayon ng pansin ay ang pagbibigay ng tulong sa milyung-milyong nawalan ng trabaho at mga nagugutom dahil sa pandemya.

Facebook Comments