PAGPAPALIWANAGIN | Mga kandidato sa SK at Barangay Elections na hindi dumalo sa Balanga City peace covenant, pagpapaliwanagin ng COMELEC

Manila, Philippines – Pagpapaliwanagin ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Commission on Elections (COMELEC) ang mga hindi dumalo sa isinagawang peace covenance sa lungsod ng Balanga.

Ito ang sinabi ni DILG Chief Evelyn Matias at City Election Officer Melanio Sibayan, posibleng disqualification umano ang kaharapin ng mga hindi dumalo lalo na at hindi magiging kapani-paniwala ang kanilang mga dahilan o excuses.

Nasa 805 ang kandidato sa lungsod ng Balanga na dapat dumalo sa peace covenance, subalit halos nasa kalahati lamang dito ang dumating.


Ayon pa kay COMELEC Officer Sibayan, magsasagawa din sila ng ‘oplan baklas’ poster lalo na at inilagay ito sa mga lugar na hindi dapat pagkabitan at sobra ang sukat ng kanilang mga posters.
Samantala, ayon naman kay Balanga City Police Chief Superintendent Byron Allatog, 17 voting precinct ang kanilang babantayan na may nakatalagang tatlong pulis, katuwang naman ang militar para sa mas maayos at tahimik na barangay at SK elections.

Facebook Comments