Nilinaw ng OCTA Research Goup na nakadepende sa ikatatagumpay ng localized lockdowns ang pagpapaluwag ng quarantine restrictions.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ang pagpapasya na luwagan ang restrictions ay dapat balanse sa pagitan ng kalusugan at ng ekonomiya.
Dapat ikonsidera ng mga local government units (LGUs) ang downward trend ng COVID-19 cases bago ibaba ang restrictions.
Mahalaga ring i-evaluate ang proportion ng severe cases laban sa mild cases at mortality rates.
Sinabi ni David na hindi pa huli ang lahat at maaari pang makontrol pagkalat ng COVID-19 – ang kailangan lamang ay gawin ng lokal na pamahalaan ang importanteng hakbang at ang kooperasyon ng publiko.
Ang banta ng mga bagong variants ng virus ay dapat magsilbing paalala sa publiko na dapat pa ring sundin ang minimum health standards.
Hinikayat din ni OCTA Research ang publiko na magpabakuna laban sa sakit.