PAGPAPANATILI NG KAPAYAPAAN SA PANGASINAN SUSI SA PAG-USBONG NG PAMAYANAN AYON SA KAPULISAN

Mas paigtingin pa ang mabuting relasyon sa komunidad upang mapanatili ang kapayapaan sa lalawigan at mapababa pa ang krimen.
Ayon kay PLTGEN. Rodolfo Azurin Jr., ang Commander Area Police Command Northern Luzon, malaking tulong ito sa pamayanan dahil kapag napanatili ang kapayapaan dadami ang turista at magkakaroon ng maraming pagkakakitaan ang mga residente.
Dagdag pa nito, sa mga opisyal na huwag gamitin ang kanilang posisyon para maliitin ang kanilang mga kasamahan sa serbisyo, at huwag na huwag gamitin ang kanilang posisyon para gumawa ng iligal na gawain.

Samantala, nagkaroon din ng awarding ceremony at turnover of vest sa ilang piling police station sa lalawigan ng Pangasinan. | ifmnews
Facebook Comments