Pagpapanatiling bukas sa lahat ng Korte sa Mindanao, ipinag-utos ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno

Manila, Philippines – Iniutos ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang lahat ng Korte sa Mindanao na manatiling bukas sa loob ng 24 oras.

Ang kautusan ng Punong Mahistrado ay tugon sa idineklarang Batas Militar ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.

Sa advisory ng CJ, obligado rin ang mga hukom na manatili sa kanilang mga sala kung kinakailangan.


Kaugnay nito ay inaatasan ang mga hukom sa Mindanao na maghain ng report sa Court Administrator kaugnay sa kanilang mga sitwasyon sa pamamagitan ng mga executive judge.

Kagabi ay idineklara ng Pangulong Duterta ang Martial Law sa Mindanao na magkakabisa sa loob ng 60 araw.

DZXL558

Facebook Comments