Puppy-shaped pudding – tampok sa isang dessert shop sa Thailand!

Manila, Philippines -Popular sa bansang Thailand ang mga coconut cream puddings.

Pero lalo itong pinagkaguluhan mula nang ilabas ng isang dessert shop sa Pathun Thani ang cream puddings nila na hugis aso!

Ayon sa may-ari sa shop na si Wilaiwan Mee-Nguen, ‘big hit’ sa kanila ang puppy-shaped puddings.


Bukod kasi sa marami ang nasarapan dito, pinag-usapan din ito sa buong mundo matapos na umabot sa higit 10-libong shares ang ipinost nilang sample ng puppy pudding sa kanilang Facebook page.

Mabibili ang realistic-looking edible puppies sa halagang 25 thai baht kada piraso o katumbas ng 36 pesos.

DZXL558

Facebook Comments