
Kaisa si House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas sa pasya ng gobyerno na panatillihin ang EDSA Busway.
Ayon kay Brosas, mainam ito habang wala pang natutukoy na pangmatagalang solusyon sa problema sa masikip na daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila lalo na sa kahabaan ng EDSA.
Kaugnay nito ay iginiit ni Brosas na dapat tiyakin na walang sinumang politiko, opisyal ng gobyerno o personalidad ang mabibigyan ng espesyal na pagtrato para dumaan sa EDSA busway.
Dismayado si Brosas na may mga indibidwal ang umaabuso sa kanilang kapangyarihan na sumisingit sa busway at iniinsulto pa ang traffic enforcers na nagsisikap ipatupad ang batas.
Facebook Comments