Kamara, naniniwalang matibay ang ebidensyang hawak ng NBI kaugnay sa rekomendasyong kasuhan si VP Sara

Kumpiyansa si House Assistant Majority Leader at Manila 1st District Rep. Ernix Dionisio na may matitibay na ebidensyang hawak ang National Bureau of Investigation (NBI) kaya inirekomenda nito na kasuhan si Vice President Sara Duterte ng grave threats at inciting to sedition.

Kaugnay ito sa banta ng ikalawang pangulo na ipapapatay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, at Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Tiwala si Rep. Dionisio na dumaan sa mahigpit na proseso, pagsisiyasat at pag-aaral ang NBI bago nito napagtibay ang rekomendasyon sa department na kasuhan si VP Sara.


Bunsod nito ay hinihikayat ni Dionisio ang publiko na hayaang umusad ang proseso ng batas para kay VP Sara.

Facebook Comments