Pagpapanumbalik ng death penalty, makakabawas sa karumaldumal na mga krimen – Justice sec. Guevarra

Naniniwala si Justice sec. Menardo Guevarra na ang pagpapanumbalik ng parusang kamatayan ay posibleng makatulong para mapababa ang bilang ng mga karumaldumal na krimen sa bansa.

Ayon kay Guevarra, kapag umiiral ang parusang kamatayan, tiyak na magdadalawang isip ang mga tao na gumawa ng masama.

Sa kabila nito, inihayag ni Guevarra na ipinauubaya na niya sa Kongreso ang pag-determina kung anong mga kaso ang ituturing na karumaldumal na krimen.


Ang reaksyon ng kalihim ay kasunod ng pagsusulong ng Pangulong Duterte na buhayin ang death penalty.

Facebook Comments