LINGAYEN, PANGASINAN – Nagpapatuloy ang paghikayat Provincial Tourism Office sa mga turistang nais bumisita sa lalawigan ng Pangasinan na magparehistro sa online registration na Pangasinan.Tarana upang sa gayon ay maitala ng maayos ang kanilang pagbisita dito.
Inihayag ni Provincial Tourism Chief Malou Elduayan na kahit hindi na kailangan ang S-PASS permit ay dapat na magparehistro pa rin sa Pangasinan. Tara na upang mabigyan ng gabay sa paglalakbay o pagbisita sa probinsya.
Mababatid na isinailalim na sa Alert Level 2 ang probinsya ng Pangasinan dahil sa pagbaba ng naitatalang kaso ng COVID-19 at kaugnay nito ay ang pagluwag sa ibang quarantine at travel restrictions kaya marami na ang nagtutungo sa iba’t ibang pasyalan sa Pangasinan.
Samantala, naniniwala si Elduayan na magiging masaya ang pagsalubong ng Pangasinense sa darating na kaspakuhan, ngunit kailangan pa rin na mag-ingat sa panganib na dala ng COVID-19. | ifmnews